Biyernes, Mayo 27, 2011

NOTA SA PANG-EKONOMYANG PAKIKIBAKA SA DHALIA

ANG DOKUMENTONG ITO AY NAKUHA MULA SA LAPTOP NG NASAWING KALIHIM NG FAR SOUTH MINDANAO REGIONAL COMMITTEE NG CPP-NPA NA SI CATALINO "ASYO" TACADAO. NAGLALAMAN ITO NG MATITINDING PAGSISIYASAT NG PARTIDO KOMUNISTA HINGGIL SA KAHINAAN NG PAMUMUNO NG AK-NAFLU-KMU SA MGA MANGGAGAWA NG DOLEFIL NA NAGING DAHILAN NG PAGBAGSAK NITO. ANG MGA CODANG GINAGAMIT DITO AY DENI DECODE SA HULIHANG BAHAGI, HALIMBAWA: DHALIA (DOLEFIL) - Editor's note.

Ang tungkulin ng mga SD ay hindi ilimita ang ahitasyong pampulitika sa batayang pang-ekonomya; tungkulin nila na isalin ang pulitikang unyon sa SD pakikibaka, gamitin ang titis ng pampulitikang kamalayan na iniluwal ng pang-ekonomyang pakikibaka sa layuning itaas ang antas ng manggagawa sa antas ng kamalayang SD.
                                                                                                                                                Lenin 

2001 Pagpadayon sa momentum sa pakigbisog hangtud nga nakab-ot ang Good CBA:
Sa mas maagap na paraan naiugnay ang pamumuno ng Partido sa tagumpay sa CE tungo sa panibagong haharaping laban sa pang-ekonomyang pakikibaka ng manggagawa. Wastong naikombina ang karanasan ng kadre at kadre sa unyon, pamumuno ng SP at sigla ng organisadong kilos ng manggagawa. May sustinidong mobilisadong kapasidad at napatampok ito sa pagharap sa laban. Nakasentro sa propaganda ang bira ng kapitalista sa paghatak sa opinyong publiko at minor pa sa physical mobilization (maliban sa harassment sa M79). Substantial ang pagsisiyasat sa kalagayan ng manggagawa na nagamit sa pagharap sa laban. Naikombina ang survey sa projected na kayang ilaban at makuha. Mayor na nilaman ng economic gains pa ang pagbabalik sa ibang probisyon na inalis ng kontras sa mahabang taon at pagdadagdag pa ng ilang bagong probisyon na makayanan gaya ng FT at bigas.

Inilarawan sa sumada ang kumprehensibong pamumuno nito sa mayor na laban matapos ang tagumpay sa pag-agaw sa unyon mula dilawan tungo sa militanteng unyon. Wastong ituring na ang Partido ay walang monopolyong paghawak sa buong laban bagkus kinikilala nito ang papel ng nangungunang kadre sa unyon bilang katuwang at ang pinakamalawak na organisadong masa.

Sa kanyang sariling pwersa mula sa abanteng manggagawa, pwersang kabataan sa komunidad at kababaihan nakasandig ang nangungunang pwersa na magdadala sa tagumpay sa pakikibakang pang-ekonomya. Sa katayuan ng pwersa may kabuuang 63 noong 2000; 113 to 300 UG kontak; 59 sa OSY. Ang kabuuang P ay :

Matapos ang CBA umani ito ng:

Sa 2001 hangtud sa 2002 subsub ang paglunsad sa mga pangmasa ug pang-P nga pagtuon sa han-ay sa membro sa Ax ug sa mga L2 kontak. Gigamit ang pasilidad ug resources sa AX para ilunsad kini nga mga pagtuon – finance, logistics ug union dues.

Dunay 4 ka beses nga nakalunsad og BKP nga nagpagradwar og 44 ka magtutuon, apan dunay kaluagan sa maong mga BKP kay duna pay gipatambong nga legal palang gyud ug dinha na sa pagtuon gikontak, daghan sad sa mga magtutuon ang wala makahuman sa Book 2 ug Book 3; pipila lang ka MP ang nakatapos gyud sa tibuok kurso.Nakalunsad pud og instructor’s TR  sa BKP.

Dunay mga  7 ka beses nga nakalunsad og seminar type nga ED ( 2 days ug 2 ka gabii nga gidugayon) nga ang topiko’ng gikuha mao ang TPMU ug MKLRP – magkasumpay dayon sa usa lang ka seminar.mipagradwar kini og 135 ka membro sa AX. Apan adunay kakulangan/sayop sa istilo ug oryentasyon sa pagtrabaho sa mga kauban nga nabugto ang relasyon sa pag-ed ug pag-organisa busa ang maong mga seminar wala mahimong venue para sa pag-organisa sa M3 nga paborable na unta kini nga kahimtang nga gikakuyog ang mga pwersa sa organisador/instruktor sulod sa 2 ka adlaw ug 2 ka gabii. Ang nagdagan nga kinahon nga oryentasyon ug istilo mao nga didto nasab sa pagkahuman sa seminar sundon pag-organisa  nga nagresulta ngadto sa nahimong kawang ang paningkamot nga mahatagan og ed ang masa kay wala man dayon sila mapahiluna og koliktibo nga didto magbase ang ilang trabaho.

Mahalaw na aral dito:
  1. Nakumpleto ang rekisito sa pagharap sa CBA na laban. May sapat na bilang ng P at komite ng P. May mga Akma. Naiugnay ang unang laban sa CE sa sumunod. May pamunuan ng unyon na nagigiyahan ng bag-as ng kasapi ng P. Realistiko ang demands na batay sa pagsusuri ng organisasyon. Eksaktong nabalansi din ang katayuan pampulitikang sitwasyon noon na katatapos ng EDSA at nagrereorganisa ang naghaharing uri sa Election 2001. Nakaplastar din ang ating alyansa at pwersa sa komunidad.
  2. Sa pag-upo at pag-assume ng Partido sa pamumuno sa unyon at pakikibakang manggagawa haluan ang karanasan. Makakakitaan ng mekanikal na paghihiwalay sa kampanya masa at ang pagpapalawak sa pag-ani mula sa naunang laban. Sa huling bahagi (2002), na nakita sa sumada, de kahon na oryentasyon at istilo ang nagpapabagal sa pag-ani sa kampanyang masa.
  3. Ang gawaing edukasyon at propaganda edukasyon sa panahong ito.....
  4. Sa pag-abot sa opinyong publiko at pagpapalawak sa komunidad maagang naputol matapos ang 2002.
  5. Ang pamunuan sa unyon may antas ng pagkakaisa at unipikado bagamat may ilang tendensyang ultrademokratiko sa mayor na usaping kinakaharap ng unyon gaya ng strike balloting.
  6. Ang pinakamahalagang hindi naiugnay dito ang pagbasag sa ekonomistang tendensya na matapos ang tagumpay ay nagkakasya sa intra-union na bangayan sa ilang kasapi ng P at Akma na nakasentro sa ”akomodasyon” sa pakinabang sa unyon.
  7. Ang materyal na batayan ng tendensyang ekonomismo sinuhayan 'awtoridad' na naangkin sa unyon. Nagreinforce dito ang liberal na attitude ng kapitalista sa unyon na nagpasimulang mag-uk-ok sa makauring paninindigan at pakikitungo sa pamumuno sa organisasyong masa. Pero wastong naituring itong sekundaryong tunggalian. Ang repleksyon nito sa pampulitikang gawain ng Partido sa unyon ay ang isandig ang lahat ng gawain ng Partido sa ibubunga ng gawain sa unyon. Nahumaling sa istilong ligal at nakabase sa opisinang pamumuno maging ng komite ng Partido.

Nagtatak na ang agos ng ekonomismo na magsuhay sa hinaharap na laban: paghihiwalay sa gawaing pamumuno ng komite sa pagitan ng hayag at lihim na  naghihiwalay sa pamumuno sa mas malawak na arena.

2004, Pagsikad pa ng tagumpay habang binabayo ng internal kahinaan ng di mabunot na maling linya ng pagsusuri.
Matapos ang kampanya sa DARBCI at Mayo uno noong 2003 litaw ang kontradiksyon sa pagitan ng mga lider sa lantay na pinansyang usapin na napalitaw sa kampanyang DARBCI. Tumagos sa pamunuan ng Partido ang usaping ito at dahil nasa unyon din ang mga susing tao sa Partido kumapit ang pagkipot ng pagkakaisa na dinurog ng lantay na pinansyal na tunggalian.

Sa kabuuan naabot ang 7% ng increase sa sahod sa addendum. Nagdagdag sa benepisyo sa ERF at PTB. Nailapag sa lamesa ang usapin ng regularisasyon bilang huling hirit sa MOA sa NCMB ng unyon at management. Umabot ito ng mahigit 1,500 na pinangasiwaan ng management ang pagregularisa sa mga fixed termer, coop at iba pa.

Kung ang partido ang tumanaw ang inabot sa 2004 ay pagsubok sa manggagawa sa paghawak nito sa makauring halaga ng regularisasyon sa buong kahilingan sa laban. Sa numerical na pagkwenta sa 7% bali-baliktarin man litaw ang pagbababa mula sa 10%. Mas malaking bearing sa pulitika ng regularisasyon dahil sa buong kasaysayan ng pakikibakang manggagawa ito pa lamang ang nakagawa na makapagregular ng 1,500 mahigit na manggagawa.

Pero ang dapat silipin ay mas malulubos ang tagumpay na ito kung ang organisadong masa na hindi regular ang pinagtuunan sa paglubos sa tagumpay. Sa kabaliktaran, mas nakapanaig ang disenyo ng kapitalista sa regularisasyon na palakihin ang bilang ng manggagawa mula sa hindi organisadong hanay at doon bayuhin ang unyon sa tunggalian ng bago at lumang manggagawa. Pinalalaki ang siwang sa internal na kontradiksyon sa manggagawa.

Naglikha ng mapanghating pamamaraan sa ilang kasapi ng P at personahe sa unyon ang pagbaba ng tantos ng sahod mula sa 10% sa 2001 naging 7% sa 2004. 

Sa organisasyon ng P mayroong sangay ng P na bumubuo ng 45 na may 7 GSP at ang komiteng tagapapagpaganap binubuo ng 15. May 3900 na kasapi ng unyon at __ na aktibistang masa.

Makikitang ang kasapian ng P ay mayorya dito ang datihan ng kasapi mula sa pre-2001 produkto pa ng haluan oryentasyon sa kalihukang unyon, na KRM at KU-GU na oryentasyon. May 17 lamang na baguhang kasapi mula sa 2001 hanggang sa 2004. Ang pamunuan ng unyon binubuo ng ”alyansa” ng P at non-P sa loob nito. ang makinarya sa CBA addendum campaign nasa sentro nito ang Campaign Committee bilang taktikal na pormasyon sa ilalim ng Komite ng Seksyon.

Naabot na pagkilos sa manggagawa sa taong ito umabot sa ______ Mayo uno. Sa mga pagpapakilos sa inplant pinakamataas na ang porma ng ______. Nakapagpatapos ng aralin sa KTPMU, union admin, paralegal. at sa partido nakapatapos ng BKP at IT na bumubuo ng _____. Sa paghahanda sa pagpasok sa laban sa addendum ginawa ang sumusunod:

Ang kapitalista sa panahong ito nakapagtipon na ng sapat na paghahanda kumpara sa taong 2001. Nailatag na ng administrasyon ni Danku ang liberal facade nya sa pakikitungo sa manggagawa at sa pamunuan ng unyon. Nagbunga ang mahigit tatlong taon na pagpupundar nito sa ubod ng namumuno sa unyon na lituhin at pahinain ang makauring pagsusuri sa kapitalista.

Malinaw na ipinakita sa kaigtingan ng laban sa CBA negotiation sa pagdating deadlock sa negotiation (habang ito ang inabot ng mobilisasyon) may pananaw sa ilang namumunong kasapi ng Komite ng P at OM na ”sayon ra istoryahon si Danku”. Naging kampante sa makauring pagsusuri at tendensyang matangay sa agos ng pag-asa sa negosasyon at hindi sa organisadong pagpapakilos sa manggagawa.

Ang pagluwag sa makauring pagsusuri sa kapitalista ay sakit ng mapurol na pagsapol sa linyang makauri. Ibinunga ito ng mulat na opensiba ng kapitalista sa ideolohiya sa manggagawa na sa malaot-madali naglalagay sa kanang kamalian sa pamumuno sa pakikibakang pang-ekonomya ng manggagawa. Nagluwag ang pamumuno sa laban at ang kahalagahan ng organisadong pagkilos.

Pero ang pananaw na ito ay isang panig ng katotohanan ng pangyayari sa kampanya sa 2004. Mayor na nag-ambag ng dis-organisadong aksyon, eklektikong plano, at tendensyang kanan ay ang mahabang panahon na pagkampante sa natamong tagumpay ng 2001 CE at CBA. Hindi tuloy-tuloy na nagbunga ng paglawak at paglalim ng organisadong masa at kilusang lihim sa empresa. Ang paglalagay ng pader sa gawaing unyon at gawaing lihim ang nagbigay ng precondition sa maling kaisipan ng ”independyenteng” takbo ng mga kasapi ng P na nasa pamunuan ng unyon.

Dagdag na factor din dito ang tendensyang pumurol ng sangay ng P sa hindi paglaki ng kasapian at dinamikong pagtutunggali sa mali at wastong linya. Kung ang karamihan ng kasapian ng P sa panahong ito ay nabibilang sa napasampa na hindi nasubok sa pampulitikang gawain at pamumuno natural na patutunguhan nito ang pagbara at pagkalulong sa oryentasyong KU-GU at ekonomismo.


2006, Pagtampok sa Tendensyang Kanan at bumuntot sa ispontanyong masa.

Backgrounder
Matapos ang CE, malaki ang kaibhan nito sa 2001 scenario. Manipis na ang organisadong masa na aabot sa mahigit 32 na lamang na mula sa natira at haluan and mostly kapos sa kasanayan sa pampulitikang pamumuno. Sinumada sa pagsusuri sa isang dokumento ng Komite ang ganito:
Ang kakulang o pagluag sa atong pagpamuno sa kampanya sa CBA gikan sa pagtibuok sa  proposal nagpadayon hangtud ngadto sa pagsugod na sa negosasyon diin wala nato hugot  napamunoan ang kinatibuk-ang gidagan sa pakigbisog. Wala kita makalatid og kumprehinsibong plano sa daganon sa SSP gikan sa pagsugod sa nego hangtud unta ngadto sa unsaon kini pagpadaug.
Dagdag pa:
Ang pagdesisyon/ pagpihit sa plano ngadto sa paglunsad na sa strike sa basehan nga dili makuha ang 5% isip gitakda nga pinakaubos nga kayang dawaton, sayop. Dapat ang matutukan mao unsaon maka-rekober ang kalmas isip pag-alkontra sa opensiba sa kaaway aron mapabalik ang momentum sa kalihukang masa para maseguro nga dunay solidong kusog nga ika-arangkada pa niini aron makakuha pa og dugang puntos sa nego table ug makadepensa/mapreserba ang unyon. Ug ang pagdesisyon sa strike dapat didto gibase sa kinatibuk-ang pag-asess sa kahimtang sa atong bahin( P,OM,LPO,alyansa) ug sa kaaway – nga may hugot pagkonsidera sa sitwasyong politikal sa kinatibuk-an.

Sa dihang mipihit ang konsentrasyon sa pagtrabaho didto sa preparasyon sa strike, nakadiskaril sa fucos sa gimbuhaton diin nabira na hinuon ang mga kauban didto sa legal/teknikal nga aktibidad aron apason ang daku kaayong andamonon para niini nga porma samtang nabiyaan ang prinsipal nga dapat tutukan nga mao ang pagkonsolida aron makatigom og solidong kusog. Sa maong pagpihit sa fucos sa gimbuhaton makita na dayon ang dakung kulang nato sa pwersa diin bisan sa mga gimbuhatong dapat iya na sa masa/ o boluntaryo na unta nga buhaton na sa masa( kung andam siya sa mas taas nga porma sa pakigbisog), wala o naghunas na ang partisipasyon nila.

Para sa Partido, kinakailangan niyang lumugar sa paano isasagawa ang pleksibleng pamumuno sa pamunuan sa hayag na may akumuladong political baggage at kasabay ang pamumuno sa pwersang kinaladkad ng sekondaryong kontradiksyon ng ML vs. Dating P sa BOD? Ikalawa paano nya itatrato ang organisasyong masa relatibo sa kanyang kakayahang mamuno?

Sa CBA 2006 lumarga ang inisyatiba ng namumuno sa hayag ang primaryang nagtakda sa magiging porma at direksyon ng laban. Kinombina ng CC ang mga makakaya nitong pagpapakilos pero saligang nakadepende sa pormasyong ligal. Maoobliga ang mga kadre na maging bahagi ng hayag na aktibidad para maiugnay ang tempo ng masa at makapamuno dito.

Aktwal na nadistrungka ang istruktura ng P at nangibabaw ang papel ng CCC. Ang pagbabago-bago ng hanayan ng diin sa gawain sa hayag nakahatak sa pagkalabusaw sa komite ng Partido. Makikitang maging sa hayag agarang dinistrungka din ang pagkakabuo pa lamang ng komite sa unyon tungo sa committee sa ilalim ng Campaign Committee.

Ang prosesong naganap sa 2001 ay dogmatikong kinopya sa pagbubuo ng komite sa kampanya sa panahon ng 2006. Binuo ang CC sa 2006 na binubuo ng kadre sa RTU, National, ilang kasapi ng P at ng dating kasapi ng P mula sa Lokal. Ang awtoridad ng komiteng ito bagamat limitado pero nakakapagtakda ito ng koordinadong pagkilos sa pagitan ng pamunuan ng unyon at komite ng Partido. Labas sa koordinasyon sa aktibidad ang pagtatakda sa posisyon bilang suhestiyon sa para negosasyon ang maaari nitong saklawin at wala ng iba pa. Kung tutuusin nasa komite ang insyatiba na itakda ang direksyon at focus sa pagharap sa laban sa CBA. Pero aktwal na pinahihina ito ng kawalan ng komprehensibong balangkas ng direksyon dahil sa pagbuntot sa inisyatiba ng hayag na pamunuan.

Kaiba sa 2001 na nagsasanib ang rekisito para sa matagumpay na laban. Naiugnay ang momentum ng laban sa CE, naipwesto ang mga kasapi ng P sa mayor na posisyon sa hayag, determinado at masiglang aktibismo ng manggagawa laban sa dilawan at matagal na paglustay sa pang-ekonomyang tagumpay ng manggagawa. Malaki ang bilang ng organisadong masa sa unyon, komunidad at sektoral (ys/women), at napapanahon na nagreconstruct ang mga pulitiko sa kanilang lokal na pamumuno matapos ang halalan 2001. Nag-ambag din sa pagkakataong ito ang pagkakahati sa pambansang pamunuan ng naghaharing uri mula sa pagpapatalsik kay Estrada.

Ang 2006 ay kabaliktaran ng 2001 maging konteksto at kontradiksyong kinapapalooban ng laban. Nariyan ang momentum at aktibismo ng manggagawa antas militanteng unyon, pero ang dalawang punto na paglaki ng eco gain ay nauna nang dinurog ng kapitalista sa addendum; at ang pamumuno sa hayag ay haluang antas impluwensya sa direksyon at manipis ang organisadong masa. Konsolidado ang lokal na pulitiko at maging sa sitwasyong pulitikal ay kabaliktaran sa 2001.

Ayon pa sa sumada:
Wala pa ang freedom period may nagadagan na nga panglantaw nga dili na mo-intertin sa CE kay mas ilarga ang taktika nga kampanya sa CBA renewal para dili na maka-CE o dili na makadiskarte ang ubang feds. Dinhi nanukad nga nag-draft og CBA proposal para sa tumong nga maka-prop sa M3 ug dili na magka-interes nga mopirma pa kung may magpapirma for PCE. Apan ang maong draft wala magiyahi o mapamunoan sa P (red tuna) ug gilarga nalang kini sa BOD – simpleng konsultasyon lamang nga walay lalom nga pagtuon dinhi ug pagtuki sa kahimtang sa kusog nato ug sa kapitalista ingonman sa pangpulitikang sitwasyon sa kinatibuk-an ug pang-ekonomiyang krisis (krisis sa kapitalismo).

Naggikan man tuod sa surbi sa opinyon sa mga membro ang draft nga proposal apan dili kini paigo, dapat gyud nga adunay pagtasa niini sa P ug pamunoan niini ang pagtakda sa mga demand. Kung ang  pulso lang sa masa unsay ilang pangayuon, normal nga pangayuon gyud nila ang mga kaayohan nga dapat gyud sa pinakataas nga sukdanan base sa unsa ang ilang kahimtang- ang gusto ug pangandoy sa pagkakaron. Apan ang P ang may katakus magbalanse niini sa kasamtangang kahimtang  aron nga maseguro nga adunay makab-ot nga kadaugan ang pang-ekonomya nga pakigbisog sa m3 ug masumpay kini sa politika.

Sa puntong nabanggit sa itaas nakaapekto ng malaki ang maling pagbasa sa mismo sa pamunuan sa hayag at pagtatakda ng wastong pakikitungo sa isang bahagi ng rekisito sa pagdadala sa laban. Wastong nasuri nito ang tamang trato sa surbi o mga pamamaraang ginamit para magtakda ng kahilingan sa laban. Nauunawaan din nito ang sentimento ng masa na ibinubuhos sa survey at inihahayag bilang hilaw na materyal na paghahalawan sa kahilingan. Ang kamalian dito, ang “panlantaw nga CBA renewal” sa katotohanan ay hindi nagsilbing point of origin sa survey kundi ang pagtaya na mananalo pa rin ang militanteng unyon. Tumpak na ipinakita sa CE na mananalo ang unyon at epektibong porma ang survey para sa proposal para maiugnay sa susunod na laban sa CBA. Nagamit din ang survey bilang materyal para pasiglahin ang partisipasyon ng manggagawa na tumatanaw sa susunod na kontradiksyon. Maliban sa positibong ambag nito sa CE campaign, sa panahon ng CBA masasabi nating repleksyon ng dogmatikong akomodasyon sa buong 72 items bilang proposal ay isang malaking kaluwagan, katamaran, at kababawang suriin ang bagong kontradiksyon sa laban sa CBA. Wastong sinuri ito sa sumada ng ganito:

Sa draft nga gipasa, sobrang pagpataas ug pagpadaghan sa demands nga wala na manukad sa balanse sa kusog ug sa nagatunhay nga Pol Sit. Ang sobrang kataas sa demands nga layo gyud sa kapasidad makab-ot base sa atong katakus, makapahuyang sa atong posisyon dinha sa negosasyon – ang  layo kaayo nga gintang sa atong kaya ug paspas nga pagbaba sa atong demand mopamenos sa atong luna dinha sa lamesa.

Sa pinakahulihang bahagi sa naganap na disorganisadong kilos sa non-swiping noong Hunyo hanggang Hulyo noong 2006 ay bunga ng esensyal na papel ng namumunong personahe sa unyon na nagkumpas sa aksyon. Niyakap ito ng masa bilang aksyong ispontanyo at bunga ng pagkondisyon sa kanilang ekonomismong panig ng pag-iisip. Positibong makakakitaan natin ng aral ito na inirehistro ng masa ang kanyang diskontento sa isang agarang aksyon na ipatupad ang sama-samang pagkilos na iyon. Ibig sabihin, nakatagos sa masa ang kanyang inisyatibang idepensa ang laban ng unyon bilang sagot sa pambabarat ng kapitalista. Maiuugnay din natin ito sa sumunod pa na pagrehistro ng masa na may mataas na diwa sa panahon ng strike vote at referendum sa CBA offer noong Agosto at Setyembre.

Sa pagsusuri sa komite ng Partido lumitaw ang pagbuntot sa naging aksyon sa non-swiping. At sa pinamasamang epekto pa nito ang maling pagbasa sa aksyon na nag-underestimate sa kakayahan ng kumpas ng namumuno sa hayag. Mula sa non-swiping hanggang sa sumunod na aksyon sa kumpas sa hayag bumuntot ang komite sa pamumuno sa masa. Makabuluhang inilarawan ito sa sumada:

Ang nahitabong No Swiping wala pa maggikan sa sinsin nga plano ilalom sa pagpamuno sa P, ug ang P na ang misunod niini (sa pagtinguha nga dili mogawas nga walay suporta ang lider sa unyon gikan sa ginsakpan) Ang ora-orada nga panawagan sa Prex nga NS nanukad sa kumandistang kinaiya nga nagbutang sa laban sa masa ngadto sa disbentaha nga posisyon. Samtang nalarga na kini, napakyas ang P sa pagtuki dayon sa mga implikasyon niini, wala masabti nga sa gambalay sa CRR, magamit sa kaaway sa iyang bentaha ang maong NS ug nakuntento sa pagtuki nga gaan kini nga porma(tungod kay breaktime lang) ug walay epekto didto sa produksyon.Kapos sa pagsabot sa maong kahimtang mas gilarga pa kini hangtud nga nakaabot pa sa kaguliyang sa mga ML ug ginsakpan adiser nahunong.

Sa dihang  nakalarga nasad ang sumbalik-aksyon(opensiba) sa kaaway nga nakamugna na og kalisang sa masa, wala pud makabakwi ang P sa mga tikang aron maka-alkontra sa pagpangatake sa kaaway, nahimong pasibo na ang mga lakang samtang nagpaabot unta ang masa unsay sunod nga aksyon. Gikan sa kumandistang posisyon, milabyog nasad ang Prex,unyon,ang CC ug P ngadto sa isalig nasad sa resulta sa nego ug sa legal nga sangka ang kapalaran sa mga naigo sa retalyasyon sa kaaway – nga sa esensya tuo napud nga linya.

Ang pagdesisyon nga welga na ang sunod nga porma sa aksyon sa dihang naglisud gyud makab-ot ang gitakda/gikauyonan sa nego panel nga kinaubsang pwedeng madawat nga offer sa management nanukad pa kini sa ”subhitibong pagbasa” sa nego panel ug CC, SP ug RTU nga masuko na ang masa kung dawaton ang mas ubos pa sa 5%,samtang wala usab gihimo ang aktwal gayud nga pagsukod sa unsa gyud ang kaya sa masa niadtong panahona – aron maseguro nga ang atong mga desisyon ug lakang magbase sa kahimtang /kaamguhan ug kaandaman sa masa ( linyang masa) ug dili mopaingon ngadto sa pinutong nga desisyon o mahulog sa walay seguro.

Ang pagdesisyon/pagpihit sa plano ngadto sa paglunsad na sa strike sa basehan nga dili makuha ang 5% isip gitakda nga pinakaubos nga kayang dawaton, sayop. Dapat ang matutukan mao unsaon maka-rekober ang kalmas isip pag-alkontra sa opensiba sa kaaway aron mapabalik ang momentum sa kalihukang masa para maseguro nga dunay solidong kusog nga ika-arangkada pa niini aron makakuha pa og dugang puntos sa negotiating table ug makadepensa/mapreserba ang unyon. Ug ang pagdesisyon sa strike dapat didto gibase sa kinatibuk-ang pag-asess sa kahimtang sa atong bahin (P, OM, LPO, alyansa) ug sa kaaway – nga may hugot pagkonsidera sa sitwasyong politikal sa kinatibuk-an.

Sa dihang mipihit ang konsentrasyon sa pagtrabaho didto sa preparasyon sa strike, nakadiskaril sa focus sa gimbuhaton diin nabira na hinuon ang mga kauban didto sa legal/teknikal nga aktibidad aron apason ang daku kaayong andamonon para niini nga porma samtang nabiyaan ang prinsipal nga dapat tutukan nga mao ang pagkonsolida aron makatigom og solidong kusog. Sa maong pagpihit sa focus sa gimbuhaton makita na dayon ang dakung kulang nato sa pwersa diin bisan sa mga gimbuhatong dapat iya na sa masa/ o boluntaryo na nga buhaton na sa masa (kung andam siya sa mas taas nga porma sa pakigbisog), wala o naghunas na ang partisipasyon nila.

Ang aktwal na lakas ng suhetibong pwersa sa katotohanan ay maliit at limitado ang kakayahan makapamuno sa masa. Ngunit ang pinakamahalagang ireresolba sa aksyong ispontanyo ay ang kasunod na porma para mapamunuan ang masa. Pag-agaw sa inisyatiba mula sa hayag na ispontanyo tungo sa organisadong masa. Maling tayain sa kapasidad pang-organisasyon lamang ang pagtataas ng porma ng laban at iwanan o balewalain o i-understimate ang kakayahan ng masa. Mapagkukumbina natin ang pamumuno sa ispontanyong pagkilos ng masa kahit maliit ang organisadong pwersa kung maagap na nailatag ang susunod na hakbang ng pagsulong sa ibang porma.

Mahalagang maunawaan natin na sa cycle sa pakikibakang pang-ekonomya ng manggagawa itinatakda ng papel ng unyon at Partido. Laging nasa unahan nito ang organisasyong ito na nagkukumpas sa masa. Ang kahinaan ng isa ay pinupunuan ng isa at ang mahalaga dito ang ugnayan at pagkakaisa sa tatahaking direksyon.

Pinakamasamang repleksyon ng naging trato sa aksyong masang ito na palakihin ang papel ng nagkumpas habang ina-underestimate ang naging pagkilos ng masa. Bagamat sa sumunod na resulta ng aksyong iyon ay nagbunga ng setback sa unyon at Partido ipinamalas ng masa ang kanyang militansya na inabot ng sweeping na kumpas.

Ang kaguluhan, pagkalito, at pag-subside ng militansya ng masa matapos ang laban sa CBA sa 2006 ay bunga ng ibat-ibang aspeto (gaya ng... ) at nangunguna na dito ang retaliation ng kapitalista sa lumahok sa aksyong masa. Pero ang pangyayaring ito ay itatakda ng kakayahan nating lambatin ang pinakamaraming bilang ng masang lumahok sa aksyon at maglinaw at itakda sa mas organisadong pagkilos sa mas mataas na porma o pag-accelerate ng propaganda at edukasyon. Kabaliktaran nito ang aktwal na pangyayari na tinukoy sa sumada. Imbes na saluhin ang masa sa pamamagitan ng propaganda at edukasyon para isustain ang momentum na sumaklaw sa opinyong publiko, pumaling sa legal, teknikal at sweeping na pagdepensa.


PAGSUMADA:

  1. Prinsipal na suliranin sa nakaraang hinarap na pang-ekonomyang pakikibaka ang pagtataas nito sa pampulitika.
l  Mayor na suliranin ang hindi pagkatoto sa dinaanang laban sa pang-ekonomya mula sa 2001 at 2004 na mayor na mga yugto na magbibigay ng mayamang aral sa halaga at ambag ng pamumuno o paglugar sa pang-ekonomyang pakikibaka ng manggagawa. Ang 2006 ay may malaking kaibhan sa naunang 2 mayor na laban sa kabuuang kontekto nito sa organisadong masa at politikal na kalagayan. Sa 2006 din ang pinakamalaking setbacks na naganap sa organisasyon ng P at masa, at ng pang-ekonomyang katayuan ng kahilingan ng masa.
l  Hindi pa lubusang nababakbak ang tendensyang ekonomista at kaliwang tendesya sa pagtrato sa pakikibakang pang-ekonomya na naglalagay sa pagbuntot sa pagkilos ng masa. Naging tampok at sistematiko ang pagkabuhay ng ekonomismo sa pag-upo sa pwesto at sinuhayan pa ng malabong pagsusuri sa uri at linyang makauri ng Partido.
l  pag-asa sa hayag na organisasyong masa na nagtatakda sa direksyon ng laban at resulta ng pagbuntot ng pwersa.
l  Baha-bahagi at hiwa-hiwalay na pagtrato sa direksyon ng laban at bawat bahagi ng aksyon sa laban. Mekanikal na pagtukoy ng porma ng pagkilos at pagtakda ng direksyon.

RECOM.
  1. Sa panahon ng kampanya sa CBA mahalagang imintina ang inisyatiba ng organisasyon ng Partido na makapamuno at makapagpalawak at independent na magtakda sa anumang pagbabago ng kaayusan sa hayag na organisasyong masa. Pinakamahalagang papel ng Partido at rebolusyonaryong pwersa sa empresa ang makaimpluwensya sa pamunuan sa hayag at maksimum na makapamuno sa ilang departamento mobilisasyong masa na magagawang balwarte ng proletaryong aktibismo at militanteng unyonista. Mahalagang ipatagos sa masa ang direksyon at rekisito sa matagumpay na laban sa CBA. Humalaw sa mayamang aral sa partikular na pakikibakang pang-ekonomya ng manggagawa.
  2. Pagkombina sa pamumuno sa laban sa pagitan ng Partido at pamunuan ng unyon. Sa katayuang ang unyon ay haluan ang komposisyon ng pamunuan hindi dapat lubusang sumandig sa itinatakda nitong direksyon ng laban bagkus itratong consulative na pakikipagkaisa sa direction.
  3. Sanayin at paunlarin ang kapasidad ng kasapi ng P at aktibistang masa sa dynamics ng pakikibakang manggagawa at papel nito sa ahitasyon, edukasyon, at pagpapakilos sa masang manggagawa. Pleksibleng pamunuan at maging maagap sa pamumuno sa masa. Wastong surin ang kalagayan at pagbabago ng pihit at direksyon para epektibong makapamuno.

ABBREVIATION
DHALIA ( DOLEFIL)
Ax (AK)
L2 kontak (level 2 contact)
FT (Fix Term)
Bigas (Rice Allowance)
Pangulo (Joe Teruel)
P (Partido)
SP (Sanga sa Partido diha sa unyon)
UG (Underground)
BKP (Batakang Kurso sa Partido)
TR (Training)
ED (Education)
TPMU (Tunay Palaban at Makabayang Unyonismo
MKKRP (Mubong Kurso sa Katilingban ug Rebolusyong Pilipino)

ERF (Educational Research Fund)

PWERSA:
  1. Kadre –
  2. kadre sa union –
  3. pamumuno ng SP –
  4. abanteng manggagawa
  5. pwersang kabataan sa komunidad
  6. kababaihan

PROVISIONS GAINS:
1.FT
2.bigas –

katayuan ng pwersa:
  1. may kabuuang 63 noong 2000
  2. 113 to 300 UG kontak
  3. 59 sa OSY
  4. Ang kabuuang P ay

AKTIBIDADES AFTER SA CBA:

2001 hangtud 2002 subsub ang paglunsad sa mga pangmasa ug pang-Partido nga pagtuon sa han-ay sa membro sa AX ug sa mga L2 kontak.

Gigamit ang pasilidad ug resources sa AX para ilunsad kini nga mga pagtuon – finance, logistics ug union dues.
4 beses nakalunsad og BKP nga nagpagradwar og 44 ka magtutuon

Dunay kaluagan sa maong mga BKP kay dunay gipatambong nga legal palang gyud ug dinha na sa pagtuon gikontak

Daghan sa mga magtutuon ang wala makahuman sa Book 2 ug Book 3

Pipila lang ka MP ang nakatapos sa tibuok kurso

Nakalunsad pud og instructor’s TR  sa BKP.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento